First Taglish Post

*Disclaimer: A post made by the irrational side of Raiza.

tumblr_mb3o2qI25w1qmhfd5o1_500

Kahiya hiya ka Raiza sa paggawa ng post na ito. Pero proud ako sayo dahil sobrang honest ‘to, walang filter.

Taglish Kakornihan: Frustration sa Plane Ticket

Ilang taon ka nang nagtatanong, “Tama ba yung naging desisyon ko?”

Isa lamang ito sa mga tanong na tila laging umiikot sa utak ko. Minsan oo, minsan hindi.

Gustong gusto kong umuwi pero andaming humahadlang. Una, ung bonus wala pa. Pangalawa, yung free ticket ko, sa August pa. Kung uuwi man ako ng Mayo, kahit mura ang pamasahe sa Qatar Airways (Eh bakit ba, gusto ko nga sa Clark lumapag), wala akong pambili ng pagkain at maiinom at kung ano ano pang panggastos paguwi. Syempre hindi lang naman ako  mamamalagi sa bahay ng nanay at tatay ko. Isa pa, anung pangdadate ko para makuha muli ng loob ng ex-boyfriend ko na medyo malabo pa ngang maniwala sa akin sa sitwasyon ngayon. Sabi nga nila, win-win parin daw kasi makikita ko ang taong pinakamamahal ko at may babalikan pa akong trabaho. Anung win-win dun, I’ll be broke pagbalik ko ng Bahrain (at least may Employee Dining Room para bumuhay sakin). Masakit. Ako ang mali. Ako dapat maparusahan at heto na, I’m reaping the benefits. Ay este, I am faced with the consequences. Ang hirap naman magmahal ng malayo talaga oh. Ang mahal ng ticket ng eroplano. Mas mahal pa sa buwanang sweldo ko.

Kayo, how far can you go for the one you love nga ba? Or.. how far did you go for the one you love?

-Raiza

Photo source: Google

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s